ssshh.. i'm androgynous.

ReviewReviewReviewReviewReviewHarry Potter and the Filipino SocietyJul 16, '07 12:50 PM
for everyone
Category:Movies
Genre: Action & Adventure
Wow, pare napanood ko na Harry Potter!!
sarap sabihin nito, lalo na dahil nasabi ko ito June 11, 2007!
hehe.
samu't saring reaksyon ang natanggap ko.
ung iba, "ang daya mo!", ung iba naman "talaga, sus ako rin papanuorin ko un A.S.A.P." at syempre di mawawala ang "so?" ng mga kababaihan at mga nagtatangkang maging babae. 0_o, haha selos lang sila no!, tsaka pake ko ba naman at least ako napanood ko na Harry Potter! BLEEEHH!! pero bago mo isiping inflated na ang ulo ko sa kung-tutuusin-napaka-babaw-naman-at-so-hindi-deserving-para-gawan-ng-review teka lang! ay oo nga pala, sige kung bored ka na ayos lang! lumayas ka na, sayang pa kuryente nyo saken! hehehe. kwento ko muna sa inyo ang naganap bago ako manood.

Dear Mambabasa,

Hulyo 11, 2007 nang maisipan ko gumawa ng ibang bagay bukod sa humilata nalang sa bahay, tipong "get some fresh air" ika nga. at sa aking pag moomy- moony kung saan nga ba ako patutungo, nagawi ang paningin ko sa tabloid na mas makapal pa ang showbiz chika kesa sa totoong balita (at by-definition natin ng totoong balita ay ang mga may headline na tulad nito: "Bebot Ginahasa", "Super Lindol Inaasahan", Tulay na Ginawa nang Nakaraang 5 Taon Yari na ngunit hindi parin Pwedeng Daanan) anyways, pinalad naman ako dahil hindi tumambad sa murang mga mata ko ang mga dalagang may asterisk sa dibdib upang "itago ang kita parin naman", katabi ng horoscope ni Madam Rosa, nakita ko ang ad ng pelikulang inintay ng I-pod generation (pero karamihan sa kanila ay walang I-pod) Harry Potter and the Order of the Phoenix, Wow ok sige! Matagal ko na rin pinagpantasyahan si Daniel uhm. uhm sorry! di ko alam spelling ng last name nya eh! Well then okay, un nalang kesa sa mga pelikulang tinapos ng isang linggo. So go ako ngayon sa SM Megamall! =) inaasahan ko na di ganun karami ang mga tao dun, mamayang gabi pa sila. At least hindi ako mako-conscious dun na naka tshirt at jogging pants lang ako. Pag sa eastwood kasi o sa greenbelt hindi ka papansinin ng mga clerk unless na nga lang kung Burberry o Lacoste ang tshirt mo (umaasa kasi silang bigyan mo ng tip) at naisip ko mas maoobserbahan ko ang kakaibang specie ng pinoy na namamalagi sa mga mall, sana ok na ang mga above reasons para makumbinsi ka na hindi lang dahil sa nagtitipid ako kaya sa Megamall ako nanood. At hindi rin iyon ang reason kung bakit deluxe ang ticket ko at hindi ung premier (na hindi ko alm kung bakit mas mura ang "deluxe" at kung bakit tinawag na premier un eh hindi naman mas maaga ung screening doon.) OK, i got my ticket na, maingat ko itong isinuksok sa aking bulsa. at pumunta sa powerbooks upang makapagpalipas ng oras.. ng libre. hehehe. 4:30 ang oras ng pelikula ko kaya ng natapos na ako sa pagbabasa ko ng mga coloring books ay pumunta na ako sa jollibee upang bumili ng value meal a go large ung fries and drink. =) laking tuwa ko at hindi ako inisnab ng staff sa cinema, tipong. wala lang, pero mukha siguro akong tindera ng pirated na DBD nung araw na iyon at masinsinan nilang binulatlat ang bag ko. Pero ayos lang di lang naman ako ang trinato nila ng ganoon. at least may equality pa rin sa megamall. Okay sa ayos! pagkapasok ko sa loob ng madilim na sinehan eh medyo maaga pa ako, (haay sana sa klase at sa trabaho ganoon din ako!) linsyak! medyo marami-rami din ang tao kaya sa gawing harapan na rin ako napaupo. pero ayos lang nearsighted naman ako. Halos maubos ko na ang jollibee 100% beef burger ko (na akala ng maraming tao ay mabuti sa kalusugan iyon) at ang aking go large fries, puro mga trailer palang ang napapanood ko at ang sintunadong patalastas ng SM Malls at ng BDO credit card, okay lang at least medyo makakaidlip ako bago ako manuod ng Harry Potter, kaso baka pag-gising ko wala na ang mga ari-arian ko. Kaya tiniis ko ang lahat masaksihan lang ang tagisan ng mga ting-ting nila Harry Potter at Voldemort. TAN-TANAN-NANTANTANAN... Hindi yan super man ha! theme song yan ng Warner Bros. wow!! start na ng pelikula!!. walang kurap akong tumitig sa screen! ayan na ang cute na theme song ng Harry Potter! =)

ay teka gabi na papagalitan na ko,
me pasok pa daw ako bukas.
sige ha!
hanggang sa muli!!
=)


2 Comments
anjiieehot23 wrote on Jul 17, '07
pucha! nabobo ako sa filipino! haha! nhilo tuloy utak ko! langya ka! hahaha!
noisybrat wrote on Jul 17, '07
pucha! nabobo ako sa filipino! haha! nhilo tuloy utak ko! langya ka! hahaha!
hahah. anu ayos ba?? gawa nga uli ako ng mga sulating tulad nyan! =)
Add a Comment
How would you rate this movie? (optional)
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help